Gusto ko lang magbigay ng reaksyon.
Ang naranasan ng isang MMDA officer na ito ay hindi maitatangging nakaka-trauma. ‘Di ko rin alam kung anong tumatakbo sa isip ng mama na ‘yan kung bakit n’ya kailangang saktan ang isang tao.
Kung nahuli ka sa kalsada dahil sa may ginagawa kang mali, wala kang karapatang mag-reklamo. Kung nahuli ka sa kalsada na wala ka namang ginagawang mali, pwede ka magtanong kung bakit ka huhulihin lalo na’t sinunod mo naman ang batas trapiko. Ngunit hindi naman yata makatarungan na pagbuhatan mo ng kamay ang isang taong ginagampanan lang ang kanyang trabaho.
Hindi natin maitatanggi na marami ang ganitong eksena lalo na sa ating bansa. Ang mga malalaki at mga mape-perang tao ay hindi pinahahalagahan ang mga mas mababa sa kanila. Ang pagkakapantay-pantay ng tao ay wala sa kanilang isipan. Ngunit hindi ko naman sinasabi na lahat ng mayayaman at makapangyarihan ay ganito ang ginagawa.
Kung may problema tayo sa isang bagay, pwede naman sigurong pag-usapan nalang. Wala ring mangyayari kung sa dahas mo ito idadaan. Kung ganoon, isang kang mababang uri ng tao. Na ang isip ay sing liit lamang ng ipis.
Sa ginawa ng taong naka-maroon d’yan sa isang MMDA officer, ano kaya ang naramdaman ng opisyal na ‘yon? Hindi lang s’ya nasaktan sa pisikal. Bagama’t mas masakit ang tinanggap ng kanyang utak. Na wala s’yang laban, o ‘di kaya’y tumatak lalo sa isip n’ya na, maliit akong tao dito sa bansa, wala akong karapatan lumaban.
Ang matapakan ang dignidad ng isang tao ay hindi biro. Maaaring mag-iba ang takbo ng tiwala sa kanyang sarili, maaaring mag-iba ang ihip ng kanyang mga gawain. Paniguradong punong-puno ng hinanakit ngayon ang MMDA officer na ‘yon.
Dapat sigurong paigtingin na ang batas ngayon, dapat sigurong bantayan na rin ito ng gobyerno. Marami nang kaso ang ganito. Ngunit hanggang ngayon, wala pa ring solusyon.
Notes
-
maikhofranco said:
PUTANGINA NYA KUNG SINO MAN YAN.
-
sentidokomon likes this
-
littlemissguro likes this
-
simplyjhu likes this
-
jazonegnog posted this
About
Jazon | M | 17 | Sep 19 | Reader | Bulacan | Sophomore [2nd sem] at OLFU [Lagro] | BS IT major in tambay
Ask me anything Ambagan
